Motivational Quotes Gallery

Motivational Quotes Gallery
Motivational Quotes Gallery

Meranao Culture

Meranao Culture
Meranao Culture and Arts

Inspiring Stories

Inspiring Stories
Inspiring Stories

Indigent Senior Citizens ng Lanao del Sur, nakatanggap ng Social Pension

MARAWI CITY - Nakatanggap na ng Social Pension ang may 139 Indigent Senior Citizens mula sa anim (6) na bayan ng lalawigan ng Lanao del Sur noong araw ng lunes, July 11.


Ayon kay DSWD-ARMM Acting Secretary Hadja Pombaen Karon Kader nagsimula na ang kanyang tanggapan sa pamamahagi ng Social Pension mula sa mga bayan ng Ditsaan-Ramain, Duadiposo-Buntong, Piagapo, Maranatao, Balindong at Taraka.


Nagpaabot ng pasasalamat si Lanao del Sur governor Mamintal Alonto-Adiong Jr na napili ang kanyang lalawigan na maging launching ng nasabing programa para sa rehiyon.


Ang Indigent Senior Citizens Social Pension ay napapaloob sa Republic Act No. 9994 o ang Expanded Senior Citizens Act of 2010 kung saan ito ay isang programa ng pamahalaan na tutulong sa mga pangangailangan ng mga senior citizens.


Sinabi ni Kader umabot sa 417 thousand pesos (P417,000) na cash ang ibinigay nilang Social pension sa mga beneficiaries sa anim na bayan sa Lanao del Sur. Tatanggap ng tig limang daang piso (P500.00) kada buwan ang bawat beneficiary.


Sa nasabing distribution, ani Kader nakatanggap ng tig tatlong libong piso (P3,000) ang bawat beneficiary para sa buwan simula Enero hanggang Hunyo ng taong kasalukuyan.


Sinabi ni Kader may direktiba si Acting ARMM Governor Ansaruddin Alonto Adiong na gawin sa susunod na linggo ang pamamahagi ng social pension sa mga lalawigan ng Maguindanao, Sulu, Tawi-Tawi at Basilan. (BPI-ARMM)

No comments