Motivational Quotes Gallery

Motivational Quotes Gallery
Motivational Quotes Gallery

Meranao Culture

Meranao Culture
Meranao Culture and Arts

Inspiring Stories

Inspiring Stories
Inspiring Stories

Tagalog News: Marawi City nanganganib mawalan ng supply ng tubig

MARAWI CITY, Lanao del Sur, Feb. 03 --- Nanganganib ang lungsod na ito na mawalan ng supply ng tubig kapag hindi nakapagbayad ang Marawi City Water District (MCWD) ng mga pagkakautang nito sa Lanao del Sur Electric Cooperative (LASURECO).

Sa pakikipanayam ng Radyo ng Bayan, ibinunyag ni MCWD General Manager Sultan Alexis Malna na sa kasalukuyan ay umaabot na ng mahigit 40 milyong piso ang utang ng MCWD sa Local Waterworks Utilities Administration (LWUA) at halos ganoon din kalaking halaga ang utang nito sa LASURECO.

Umaabot sa 250,000 piso ang binabayaran ng MCWD sa LWUA kada buwan at ang buwanang bayarin nila sa LASURECO ay naglalaro sa 300,000 hanggang 400,000 piso, ayon pa kay Malna.

“Sumulat na sa akin ang pamunuan ng LASURECO at hinihiling nila na kahit ang current bill lang muna ang bayaran namin dahil sinisingil na rin sila sa kanilang pagkakautang sa NAPOCOR at sa NEA. Kapag hindi ko nakuha sa pakiusap ang manager ng LASURECO na isantabi muna ang iba pa naming utang ay maaaring mapipilitan din silang putulan kami ng kuryente,” dagdag pa niya.

Kapag naputulan ng kuryente ang MCWD ay hindi na makakapag-operate at ang ibig sabihin nito ay mawawalan ng supply ng tubig ang mga kabahayan na pinaglilingkuran nito.

“Magko-collapse ang water district kapag nangyari ‘yon. Wala kaming standby generator sets at hindi namin kayang bumili nito dahil ang bawa’t isa ay nagkakahalaga ng halos dalawang milyong piso. Kailangan namin ng lima nito para sa lima naming water pumps,” malungkot na sinabi ni Malna.

Ang tingi-tinging pagbayad ng halos tatlong libong active concessionaires ng Marawi City Water District ang siyang itinuturong dahilan ni Malna upang hindi nila mabayaran ng buo ang kanilang mga utang.

“Seventy five porsiyento lamang ng kanilang current bill ang aming nakokolekta mula sa kanila. Ang dami nilang idinadahilan para hindi makabayad ng buo,” dagdag pa niya.

Ayon kay Malna, ang MCWD ay wala namang budget mula sa pamahalaang nasyunal. Tanging koleksiyon lamang ang kanilang inaasahan upang patakbuhin ang water district na ito, kasama na pati ang pangsweldo sa kanilang mga kawani.

Dahil dito, muling umaapela si Malna sa lahat ng kanilang concessionaires na bayaran ang kanilang arrears at kumpletuhin din ang bayad para sa kanilang current bill upang patuloy ang serbisyong maibibigay sa kanila ng Marawi City Water District. (Bobby Ilupa/DXSO Radyo ng Bayan Marawi)

No comments